Now Playing Tracks

Ayoko na sana magblog pa ng kadramahan at kakornihan. Pero wala e. Pagbigyan na.

Masyado lang kasing hindi ganun kaganda yung mga nangyayari, araw-araw. Walang araw na lumipas na hindi ko siya naiisip. Ilang beses kong pinigilan sarili ko na i-text sya, i-chat, or i-tweet, or whatever. Gusto ko siyang kamustahin. Kung okay lang ba siya. Pero para san pa diba. Alam ko naman at nakikita ko na okay siya. Pero bakit ganun? Bakit siya nagagawa niya yung sa kabila ng lahat ng nangyari, okay siya? Masaya siya? Pero bakit ako di ko kayang gawin yun? Galing no. Hindi ko nadin maintidihan yung sarili ko e. Alam ko namang ayaw na nung tao, pinipilit ko pa. Kinukulit ko pa. Siguro nga nagagalit or naiinis nadin siya sakin kasi nga ang kulit ko. Para akong tanga, pramis. Pero ano nga bang magagawa ko, andyan na e. Mahal ko eh. Di ko naman siguro dapat paniwalain ang sarili ko na wala nako nararamdaman sa kanya, kung sa totoo lang e ganun padin yung nararamdaman ko para sa kanya, walang nagbago.

1 month lang, nainlove nako sa kanya. Bilis no. Diko naman kasi kontrolado yun. Hindi ko naman siguro pwedeng i-ischedule na “osge pag 4 months na dun palang ako ma-iinlove sa kanya”. Hindi naman pwede yun. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko siya mahal. As in. Hanggang ngayon hindi ko padin alam kung bakit ko siya nagustuhan. Pero hanggang ngayon, kahit hindi alam yung rason, minamahal ko padin siya. Hindi ko alam kung anong mali sakin, kung bakit ko na-eexperience tong ganito. Nag-eeffort naman ako, ginagawa ko naman lahat ng kaya ko. 

Siguro kailangan lang ng magandang timing. Hintay hintay lang. Yung mahirap lang sa paghihintay eh, yung aasa ka na sana kapag pwede na, pwede pa. It’s a risk. Paminsan parang naiisip ko nadin na tumigil na sa pagdadrama at pagmumukmok at kalimutan nalang lahat, kalimutan nalang siya. Pero hanggang sa isip lang yun. Mas nananaig padin yung tiwala at pag-asa na sana one day, maging okay din yung lahat.

Siguro hindi ko kakayanin yung makita siyang ma-fall sa iba. Selfish na kung selfish, Pero may parte din naman sa sarili ko na gusto ko siyang maging masaya. Pero ang ibig kong sabihin e maging masaya siya, kasama ko.

Medyo ang hirap lang kasing tanggapin eh. Yung for a week okay kayo. Okay na okay. Tapos the next week, natapos na lang lahat. Tinapos na lang lahat. Alam ko mahirap din para sa kanya. Pareho kaming nahihirapan sa sitwasyon. Gusto ko lang malaman niya, kung sakaling babalik siya, buong puso, baga, atay, at apdo ko siyang tatanggapin ulit. (Totoo yung sa puso, joke lang yung iba.)

_______

tbc

To Tumblr, Love Pixel Union